Commuter protection group pabor sa dagdag-singil sa pamasahe

Pabor ang grupong National Center for Commuters Safety and Protection sa hirit ng ilang transport groups na magtaas ng singil sa pamasahe.

Ayon kay NCCSP President Elvira Medina, sa loob ng labing-limang taon ngayon lamang sila sasang-ayon sa mga drayber para magtaas ng pamasahe.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Paliwanag ni Medina kung susuriin, dahil sa patuloy na pagtaas ng langis at limitadong sakay ng mga public utility vehicle ngayong may pandemya talagang apektado ang kita ng mga tsuper.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Kaya naman ang posisyon umano ng kanilang grupo ay wala silang balak na harangin ang petisyon ng mga transport group para sa dagdag-singil sa pamasahe.

Nabatid na una nang sinabi ng grupong PASANG-MASDA na P3.00 ang balak nilang ihirit na taas singil sa pamasahe.