Call center agent na Rank.9 most wanted person sa ilegal na droga sa Ligao City arestado

LEGAZPI CITY – Nasakote na ng mga awtoridad ang pang-siyam sa pinaka-wanted person sa lungsod ng Ligao na kilala sa pangalang “Paul Art”, 31-anyos, binata, call center agent, at naninirahan sa P4, Brgy. Layon ng nasabing lungsod.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Inaresto ito sa kanyang tinitirhan matapos na ihain sa kanya ng mga tauhan ng Ligao CPS ang Warrant of Arrest na ipinalabas ng korte na may petsang Setyembre 28, 2021, para sa kasong paglabag sa Sec 7 ng RA 9165 at paglabag sa Sec 15 ng kaparehong kaso, sa ilalim ng Criminal Case No. 8280 for “Service of Sentence.”

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Ang akusado ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng nabanggit na himpilan para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.