RACE to 11 Eco-Challenge , inilunsad ng provincial tourism office ng So.Cot

KORONADAL CITY- INILUNSAD ng Arts, Culture, Tourism and Museum (ACTM) Unit ng South Cotabato ang taunang RACE to 11 Eco-Challenge na gaganapin sa November 11 sa bayan ng Lake Sebu kasabay ng pagdiriwang ng Helobung festival sa nasabing bayan.

Read More:  Woman killed in alleged jealousy-fueled stabbing; Partner arrested

Ayon kay ACTM Tourism Operations Officer Francisco Cerbo na ito ay lalahukan ng mga partisipante mula sa 11 mga local government units na maglalaban-laban sa iba’t ibang mga aktibidad mula sa kanilang mga munisipyo hanggang sa finish line sa Barangay Poblacion, lake Sebu.

Read More:  Man shot dead while riding motorcycle in Negros Occidental; Three suspects arrested

Kabilang sa mga hamon na haharapin ng mga ito ay ang running, trekking, canoeing, obstacle course, tree-planting, fishing, cooking at iba pang challenges.

Ang mananalo dito ay makakatanggap ng cash incentive at certificates.