TD Maring, napanatili ang lakas kumikilos sa PH Sea –PAGASA

Napanatili ng Tropical Depression Maring ang lakas nito habang kumikilos papuntang Philippine Sea.

Sa huling forecast ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng tropical depression sa 715 kilometers east ng Catarman, Northern Samar o 640 km east northeast ng Borongan City, Eastern Samar, dala ang lakas na hangin na 55 kph malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 70 kph.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Kaugnay nito, ang Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga, Cebu, at Bohol ay makakaranas ng mahina hanggang sa katamtaman na kung minsa’y malakas na ulan dahil sa trough ng Maring.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Samantala, mahina hanggang sa katamtaman na kung minsa’y malakas na ulan naman ang magsisimulang makaapekto sa Occidental Mindoro, Palawan, at ibang bahagi ng Visayas ngayong araw, sa gitna na pinaiigting ang southwesterlies ng depression sa central portion ng bansa.