Bato dela Rosa, standard bearer ng Cusi-led PDP-Laban sa 2022 poll

Magsisilbing standar bearer ng Cusi-led PDP-Laban si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, matapos na maghain ito ng kanyang kandidatura pagkapangulo para sa 2022 national elections.

Dahil dito, sinabi ni PDP-Laban secretary general Melvin Matibag, na si Senator Christopher “Bong” Go ang magiging running mate ni Dela Rosa.

Read More:  Teodoro again rejects claims Philippines is a ‘trouble maker’ in WPS tensions

Makikitang suot ni Dela Rosa ang Hugpong Ng Pagbabago shirt nang maghain ng COC.

Sinabi ng senador na kinuha siya ng PDP-Laban dahil tanging siya lang ang makakapagpatuloy sa legasiya ng Duterte administration.

Read More:  DepEd prepares flexible learning rules for Super El Niño

Mababatid na bago maging senador, nagsilbi si Dela Rosa bilang chief ng Philippine National Police at nanguna sa kontrobersiyal na war on drugs ng gobyerno. //MHEL PACIA-TRINIDAD