Chinese embassy nagpasaklolo sa PNP kaugnay sa kidnapping incidents sa mga Tsino

Humingi ng tulong sa Philippine National Police ang Chinese embassy kaugnay sa pagdami ng mga insidente ng kidnapping kung saan sangkot ang mga Chinese nationals.

Sa isang pahayag, ipina-abot ni Chinese Ministry of Public Security (MPS) Executive vice minister Wang Xiaohong kay PNP chief Police General Guillermo Eleazar ang naturang isyu.

Read More:  Marcoleta pleads not guilty in plunder case

Ayon sa embahada nababahala sila sa pagtaas ng bilang ng mga nabibikta ng pagdukot sa mga Tsino sa bansa.

Patuloy naman umanong pinapalakas ng MPS at PNP ang ugnayan nito para sa imbestigasyon, information sharing at case transfer para maresolba ang mga kaso.

Read More:  Imee Marcos questions ‘Pax Silica’ project, warns of environmental risks

Nagkasundo naman ang dalawang panig na magkaroon ng pinagsanib na ‘cracking down’ laban sa iba kremin katulad ng cross-border gambling, telecom/internet fraud, robbery at homicide.