Publiko, iwasan na ang pagdadalawang-isip sa pagpapabakuna-Mayor Rosal

LEGAZPI CITY – Nananawagan ang Alkalde ng Legazpi na alisin na sarili ang pagdadalawang isip sa pagbabakuna.

Ito ang inihayag ni Mayor Noel Rosal ng Legazpi  sa pressbriefing nitong nakaraang araw.

Ayon kay Rosal, hindi na dapat nagdadalawang isip pa ang mamamayan sa pagbabakuna dahil sa mahalaga rin na mayroong proteksyon sa katawan laban sa coronavirus disease (COVID) 19.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Maaari kasi magpalabas ng direktiba ang national government na ang paglabas ay hindi umano papayagan  o limitado lamang dahil sa hindi pa ito nababakunahan.

Paliwanag nito, malaking posibilidad na makahawa pa at malagay din sa peligro ang buhay ng isang taong kapag hindi bakunado.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Dahil dito nakikiusap ngayon ang local chief executives sa mga Legazpeño na samantalahin na ang pagpapabakuna.

Sa ngayon kasi ay maluwag at hindi pa pinagpipilitan na magpabakuna kung kayat nakakalabas pa sa kanilang tahanan.