Matataas na kalibre ng baril at iba pang kagamitang pandigma, narekober sa Roxas

Matataas na kalibre ng mga baril at iba pang kagamitang pandigma, narekober sa Roxas, Palawan

Narekober ng Marine Battalion Landimg Team-3 ang matataas na kalibre ng  baril at iba pang Kagamitang pandigma sa Sitio Iraan, Bgy. Magara Roxas Palawan nitong Miyerkules Ika-22 ng Setyembre 2021.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Sa Pakikipagtulungan ng Kapatiran ng mga dating rebelde (KADRE) narekober ng Operatiba ang (3) M16A1 Rifle, (1) AK47, (1) Portable Power Generator, (3) M16 Long Magazine, (1) Carbine Magazine, at (88) rounds ng 5.5mm live ammunitions.

Samantala, ang pagkarekober ng mga nasabing mga baril at kagamitan ay dahil sa CSP Sustainment at sa patuloy na pagsagawa ng mga operasyong pangseguridad sa Northern Palawan ng MBLT-3 at  sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Bgy. Magara Roxas Palawan.

Read More:  Mother killed in alleged stabbing by son in Cebu

Patuloy ang panawagan at paghihimok ng MBLT-3 sa ilalim ng 3rd Marine Brigade at ng Western Command sa mga Residente ng Palawan na makiisa para sa katahimikan at Kaligtasan ng lahat.