COVID-19 reproduction number nasa 0.97 na lang sa NCR

Bumaba pa sa 0.97 COVID-19 reproduction number mas mababa kumpara sa 0.99 kahapon ayon sa OCTA research.

Ito ay katumbas ng -22 growth rate simula September 17 hangang 23 ngayong taon.

Read More:  Marcos nears completion of fifth SONA speech

Naniniwala ang OCTA Research group na nakatulong ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine ECQ at modified ECQ sa Metro Manila para bumaba ang kaso ng COVID-19.

Ayon kay OCTA research fellow Dr. Guido David simula noong September 12 ay patuloy ang pagbaba ng bilang ng kaso ng virus sa NCR.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Maliban dito patuloy din umano ang pagbaba ng bilang ng mga kaso sa iba pang lugar katulad ng Cavite, Davao City at Cebu City.