NAGA CITY – May 82 naitalang bagong kaso ng Corona Virus Disease ang Naga City, isa dito ang 93 taong gulang na lolo na binawian na ng buhay dahil sa sakit na dulot ng virus.
Ang naturang lolo na hindi bakunado ay taga Barangay Dayangdang na namatay sa isang pribadong ospital sa lungsod.
Kung pagbabatayan ang bagong bilang na ito ng mga nagpositibo, inilabas kagabi ng Health Emergency Response Task Force may mahigit ng 900 ang active cases ng COVID-19 ngayon ang Naga City, wala sa ulat ang bilang kung ilan ang nakarecover.
Samantala, ang iba pang mga nagpositibo ay nakaranasa ng mild symtomps ng sakit na kinabibilangan din ng 17 mga bata at menor de edad na nasa pagitan ng apat na taong gulang hanggang 17-taong gulang.
May 13 namang mga senior citizens ang may sakit dahil sa COVID-19 na ang pinakamatanda ay isang 93 taong guang na taga Barangay Lerma.
Ang 44 na mga nagpositibo ay mga closed contact o mga nahawaaan ng sakit. 19 naman sa mga ito ay fully vaccinated na ning COVID-19 vaccines.