Ikinokonsidera ng Commission on Elections (COMELEC) na gawing voting center o pagbotohan sa May 2022 elections ang mga barangay court at barangay hall.
Ayon kay Comelec director for operations Teopisto Elnas, Jr. naghahanap sila ng mga alternatibong venue para sa kaligtasan ng mga botante sa araw ng eleksyon ngayong mayroong pandemic.
May directive na to our election officers for the decongestion of our voting centers catering to two to three or more barangays,” ani Elnas.
“We are looking at ‘yung mga covered court ng barangay. Ongoing ‘yung paglilipat kung may malilipatan,” dagdag pa nito.
Giit ng opisyal, kailangang masiguro na ang mga polling center ay mayroong magandang bentilasyon, maluwag at nakasusunod sa lahat na mga minimum health standards.