COVID-19 reproduction number sa NCR bumaba pa sa 0.99

Mas bumaba pa sa 0.99 ang reproduction number ng COVID-19 sa National Capital Region ayon sa OCTA research group.

Mas mababa ito sa 1.03 na unang inanunsiyo ng grupo kahapon.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David umaasa silang magtutuloy-tuloy pa ang pagbaba ng bilang nga mga nahahawaan.

Read More:  8 Cebu PUV personnel test positive in surprise drug test

Huli umanong naitala ang mas mababa sa 1 na bilang ng reproduction rate noon pang Hulyo.

Batay sa projection ng OCTA posible umanong kumalma ang lagay ng mga pagamutan sa Metro Manila sa kalagitnaan ng Oktubre ngayong taon.

Read More:  LTFRB tightens monitoring of 20% fare discounts during Undas exodus

Nabatid na una nang sinabi ng grupo na nakikita nilang nasa huling bahagi na ang Metro Manila sa banta ng mas nakakahawang delta variant.