Pagbawal sa mga kababaihan na makapag-aral sa Afghanistan ‘un-Islamic’- Pakistan PM

Tinawag na un-Islamic ni Pakistan Prime Minister Imran Khan ang pagbabawal sa mga kababaihan na makapag-aral sa kapit-bansa nitong Afghanistan.

Binigyang diin ni Khan na hindi Islamic ang pagbabawal sa mga babae sa edukasyon at walang kinalaman aniya dito ang relihiyon.

Read More:  France to deploy more police amidviolent protests

Sa isang panayam ay inilabas ni Khan ang mga kondisyon nito bago kilalanin ng Pakistan ang Taliban government.

Kabilang dito ang pagkilala sa human rights ng lahat at hindi dapat magamit ang Afghanistan ng mga terorista na maaaring maging banta din sa Pakistan.

Read More:  16 killed in magnitude-7 earthquake in China

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay tinanggal ng Taliban sa secondary schools ang mga kababaihan habang tangIng mga lalaking guro ang maaaring makabalik.