Mga hotel isolation facility sa Angeles City, Pampanga nasa full capacity na

Fully capacity na ang lahat ng hotel isolation facility sa Angeles City.

Ito ay base sa kumpirmasyon ni Fatima Ortinada, ang president ng Hotel and Restaurant Association in Pampanga o HARP.

Read More:  13-Year-old student involved in Davao school stabbing

Ayon kay Ortinada, kung sakaling patuloy na tumaas ang kaso ng Covid-19 sa lungsod makikipag-ugnayan umano sila sa iba pang mga hotel owner’s para magbukas ng karagdagang isolation facility.

Paglilinaw pa nito na tanging mga Angeleños lamang sa ngayon ang pinapayagang mag isolate sa kanilang pasilidad.

Read More:  5 NPA, underground group members surrender in Eastern Visayas

Sa kasalukuyan nasa syam na hotel sa Angeles ang ginawang isolation facility na mayroong 400 room capacity.