Agarang bakuna kontra Covid-19, hiling ng tricycle drivers sa lungsod ng Sorsogon

SORSOGON CITY – Umapela na ng bakuna ang hanay ng mga tricyle drivers sa lungsod ng Sorsogon.

Sa pahayag sa Brigada News FM ni Sorsogon City Federation of Associated Tricycle Operators and Drivers o FASTOD President Manuel Detera, nangangamba umano ang kanilang hanay na mahawaan ng nasabing virus na ngayon ay patuloy na lumulobo.

Read More:  Heavy rains trigger flooding, damage dikes in parts of Gensan, Soccsksargen

Nanawagan ang opisyal sa lokal na pamahalaan na bilisan na ang roll-out ng vaccine para sa mga tricyle drivers.

Dagdag pa nito, habang lumulobo aniya ang kaso ng mga nahahawaan at namamatay sa lungsod ay lalong nadagdagdagan ang takot nila sa bawat araw ng pamamasada.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Matatandaan na nasa 101 na ang nasawi sa nasabing sakit habang sumampa na rin sa 233 ang aktibong kaso ng coronavirus sa lungsod ng Sorsogon.