Buntis nanganak sa rescue vehicle; mag-ina kapwa ligtas sa Lemery, Batangas

Batangas -Isang buntis ang hindi inaasahang nanganak sa loob ng isang rescue vehicle matapos na hindi makayanan ang pananakit ng tiyan sa Lemery, Batangas

Sa impormasyon mula sa tanggapan ng MDRRMO Lemery, nabatid na hindi inaasahan ang panganganak ni Gng. Charina Jaring, 23-anyos na taga Brgy Bagong Sikat sa loob ng rescue ambulance, hindi na nitong kinayang makaabot pa ng pagamutan.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Dito naglakas loob ang mga kagawad ng MDRRMO sa pamamagitan ni G. Jessie Intong, Lemery DRRMO Officer at agad na tinulungan ang panganganak ng batang ginang para sa sanggol na lalaki mula sa sinapupunan nito.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Nang makalabas na ang bata ay tumuloy na sa Batangas Provincial Hospital ang mag-ina para sa tamang pangangalaga.

Lubos naman ang pasasalamat ng kaanak ni Gng Jaring sa mga kinatawan ng MDRRMO Lemery para sa kaligtasan ng ina at ng sanggol.