Hinikayat ng Subic Municipal Health Office ang mga guro na magpabakuna na kontra corona virus disease.
Ito ay dahil ngayong araw ay isasama na sa pagbabakuna ang mga guro na hindi pa nababakunahan.
Mahalaga na mabigyan ng proteksyon ang mga ito dahil na rin sa pagsisimula muli ng klase kung saan ang iba ay naghahatid ng mga module o humaharap sa iba’t ibang tao.
Samantala, ang pagbabakuna ay gaganapin mula alas otso ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon sa Waltermart ngayong araw.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO
