PNP Bicol Chief ipinag-utos ang imbestigasyon vs police major na umano’y nagsarili sa harap ng saleslady sa lungsod ng Legazpi

(UPDATE) LEGAZPI CITY—Nagpalabas na ng direktiba si Reginal Director PBGEN Jonnel C Estomo ng Police Regional Office 5 hinggil sa pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa napaulat na Police Major na umano’y nagmasturbate sa harapan ng isang saleslady sa isang business establishment sa lungsod ng Legazpi.

Ayon kay Estomo, hindi nila ito itotolerate dahil isa itong malinaw na indikasyon ng hindi pagiging propesyunal bilang isang public servant.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Para masagot ang akusasyon, nagbaba ito ng pormal na kautusan para sa mabilis na imbestigasyon upang maipataw ang nararapat na parusa sakaling mapatunayan.

Aniya, nadadamay ang buong organisayon ng PNP kung kaya bibigyan rin nila ng pagkakataon ang inaakusahan na magpaliwanag at mapakinggan.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Kahapon ay ipinatawag na sa Police Regional Office 5 at personal na kinausap ng opisyal ang nasabing police major.

Kung babalikan, September 12 nang maganap ang insidente sa 2nd floor ng hindi na pinangalanang business establishment kung saan nagsisigaw at umiyak sa takot ang isang hindi na pinangalanang saleslady na ayon pa sa report ay inareglo na lamang.#