Gobyerno ng Pilipinas, nangako ng financial aid sa Afghanistan

Nangako ang Pilipinas na magbibigay ng modest financial contribution sa Afghanistan bilang tulong sa krisis na kinakaharap nito ngayon.

Ayon sa Philippine Mission sa Geneva, ang pangako na ito ay bilang tugon sa apela ng United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (OCHA).

Read More:  DFA stands firm on Foreign Service integrity amid Remulla’s visa issuance criticism

Wala pang tugon ang Department of Foreign Affairs (DFA) kung magkano ang partikular na halagang itutulong ng Pilipinas sa nasabing bansa.

Read More:  Ridon urges Marcos to consider expelling Chinese Embassy staff over online attacks

Naiulat naman na nangako ang ilang donors na magbibigay ng 11 bilyong dolyar sa Afghanistan upang matugunan ang kahirapan at gutom sa bansa matapos ang pagsakop ng Taliban forces.