POPCOM sa community pantries: Magbigay rin ng libreng pills, condoms

Hinihimok ng Commission on Population and Development ang mga community pantry organizers na ikonsidera ang pamamahagi ng contraceptives, gaya ng condoms at pills.

Giit ng POPCOM executive director Usec. Juan Antonio Perez III, ikinokonsidera ang family planning services at commodities bilang essential sa layuning mapigilan ang teenage at unplanned pregnancies sa panahon ng pandemic.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Dagdag ni Perez, ang pamamahagi ng contraceptives sa pamamagitan ng community pantries ay makakatulong sa “filling the void” sa rollout ng family planning activities, na naantala dahil sa pandemic.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Mababatid na may isang organizer sa Taguig City ang nag-set up ng community pantry na nag-aalok ng condoms, lubricants, at sanitary items.

Ayon sa POPCOM, maaring humingi ng tulong ang mga community pantry organizers sa barangay health workers at population volunteers. // MHEL PACIA