De Lima, inihain sa Senado ang 10-day paid leave para sa COVID-infected employees

Naghain si Senator Leila de Lima ng panukala na magbibigay ng paid pandemic leave para sa mga COVID-positive workers, at payagan ang mga ito na makarekober at sumailalim sa mandatory isolation nang hindi nababahala sa mawawalang income.

Sa kanyang Senate Bill No. 2148, sinabi ni De Lima na ang 10-day COVID-19 leave per year ay kailangang ipatupad para sa lahat ng infected qualified employees sa parehong public at private sectors.

Read More:  DFA stands firm on Foreign Service integrity amid Remulla’s visa issuance criticism

Ayon sa senadora, ang virus-hit workers ay kailangang saktong bayaran ng kanilang buong daily pay para protektahan ang kanilang kapakanan, at matiyak ang occupational health and safety.

Read More:  Teodoro challenges China to name politicians allegedly linked to Beijing

Sakaling maisabatas, ang pandemic leave ay magiging karagdagan ito sa kasalukuyang paid sick days at iba pang benepisyo na nakukuha ng isang empleyado.

Samantala, ang mga employer na tatangging magbigay ng naturang leave, ay pagmumultahin ng hindi bababa sa P20,000, pero hindi hihigit ng P200,000. // MHEL PACIA