PCG, target ang zero maritime casualty sa Bagyong Kiko

Target ng Philippine Coast Guard (PCG) ang zero maritime casualty sa pananalasa ng Bagyong Kiko.

Ayon kay PCG Commander Vice Admiral Leopoldo Laroya, marami silang natutunan nang manalasa ang Bagyong Ulysses sa hilagang Luzon noong nakaraang taon na nag-iwan ng malaking pinsala sa Cagayan Valley Region.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Mababatid na maagang nag-abiso ang coast guard sa residenteng maapektuhan ng Bagyong Kiko lalo na sa mga mangingisda na huwag munang pumalaot para sa kanilang kaligtasan.

Read More:  PNP says search for Bato Dela Rosa remains on track

Sa ngayon ay nananatili sa heightened alert ang Philippine Coast Guard sa posibilidad ng paglilikas sa mga flood-prone communities partikular sa Batanes na ngayon ay hinahagupit ng Bagyong Kiko.