Grupo ng kababaihan sa Afghanistan nagprotesta sa all-male interim Taliban government

Nagprotesta ang ilang kababaihan sa North-Eastern Afghanistan province ng Badakhshan laban sa all-male interim Taliban government na mamumuno sa kanilang bansa.

Ayon sa mga protesters, hindi nila matatanggap ang gobyernong wala man lang babaeng minister.

Read More:  North Korea fires around 10 ballistic missiles toward eastern waters

Kaugnay nito, ilang protesters ang nasaktan bago sila nabuwag ng mga otoridad.

Maliban sa mga kababaihan ay ilang media din umano ang sinaktan at inareso dahil sa pagko-cover sa pagkilos ng grupo.

Tumanggi namang magkomento ang Taliban sa nasabing isyu pero mariin ang babala nitong anumang kahalintulad na protesta ay maituturing na iligal.

Read More:  Costa Rica opens mega-prison for 5,100 inmates amid rising crime

Iginiit ng Taliban na kailangang kumuha ng permiso ang mga protesters at bawal silang gumamit ng mga tinatawag na “abusive language”