Metropolitan Cauayan Hall of Justice, bubuksan na ngayong buwan

Nakatakdang buksan ang bagong tayong Hall of Justice ng Metropolitan Cauayan sa araw ng September 22, 2021.

Sa pakikipag-ugnayan ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Cauayan City Engr. Edward Lorenzo, tapos na umano ang konstruksyon ng naturang gusali na nakahimpil sa Brgy. Tagaran Cauayan City.

Read More:  Veteran broadcaster found dead inside parked car in Cebu City  

Ang naturang itinayong Bulwagan Ng Katarungan sa lungsod ay isang 2-storey building na may lawak na 466 sqm.

Ayon pa kay Engr. Lorenzo, popondohan umano sana ito ng Department of Justice ngunit limitado lamang ang kanilang ilalaan at matagal umano ang proseso.

Dahil dito ay minabuti na lamang umano ng Lokal na Pamahalaan ng Cauayan na magloan para sa mas bilis na pagpapatayo ng naturang gusali dahil di umano sapat ang 20% development plan ng lungsod.

Read More:  24-year-old female rider dies in six-vehicle crash at Cebu City

Matatandaan na nagsimula ang konstruksyon ng naturang Hall of Justice noong April, 2021 kasabay ng ipinapatayo din Isolation Facility at Isabela Convention Center o ICON.