Paglalagay ng Chinese Help Desk sa mga PNP stations sa bansa, pinalagan ng isang kilalang abogado sa Naga City

NAGA CITY—Naniniwala ang isang kilalang Abogado sa Naga City na hindi dapat gawing nationwide ang paglalagay ng Chinese Help Desk sa mga PNP stations dahil magkakaroon lamang aniya ito ng diskriminasyon sa iba pang foreign nationals na narito sa ating bansa.

Paliwanag ni Atty. John Bongat, malinaw kasi na mayroong pagpapabor para sa iisang sector of alien o lahi ang naturang help desk.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Sa tingin pa ni Bongat hindi ito maaaring i-institutionalized pero pwede itong gawin o ilagay sa mga lugar na may mataas na bilang ng mga Chinese Nationals partikular ang mga POGO workers.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Naiintindihan naman aniya nito ang magandang layunin ng Pambansang Pulisya na mabigyan ng easy access sa pagsumbong ng reklamo o paghingi ng tulong ang mga Chinese nationals kaya nga dapat ay magkaroon ng proper training ang ilan sa mga pulis tungkol sa kasanayan ng mga ito sa Multilanguage