COVID-19 risk classification ng Catanduanes muling ibinalik sa Alert Level 3

CATANDUANES—Matapos na maitala ang magkakasunod na mataas na kaso ng COVID-19 at pagkaka detect ng dalawang variants ng naturang virus, muling ibinalik sa Alert Level 3 ang COVID-19 risk classification sa islang lalawigan ng Catanduanes.

Ayon kay Provincial DOH Officer Dr. Robert John Aquino, ibinalik sa Alert Level 3 ang risk classification sa isla dahil bagamat tanging Alpha at Beta variants pa lamang ng sakit ang naitalala sa lugar, hindi umano ang mga ito dapat ipagsawalang bahala sapagkat ‘highly transmissible’ o mabilis pa ring makahawa ang mga ito.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Inihayag din ng opisyal na ang limang kaso ng Alpha variant ay naitala sa bayan ng San Miguel na may tatlo habang tig isa ang mga bayan ng Virac at Bagamanoc.

Ang apat na kaso naman ng Beta variant ay mula sa bayan ng Virac habang ang dalawa nito ay mula sa bayan ng San Andres.

Sa kabuuan, limang kaso ng Alpha at pitong kaso ng Beta variants ang nairehistro na sa lalawigan.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Paglilinaw ni Aquino, idineklara nang ‘recovered’ o gumaling na ang mga indibidwal na tinamaan ng variants of concern sa probinsya, ngunit kinakailangan pa ring isailalim ang mga ito sa ‘re-swabbing’ at mandatory quarantine, alinsunod sa panuntunan ng DOH.

Kaugnay nito muling ipinaalala ng doktor sa publiko na manatiling maging maingat at sumunod sa mga umiiral na health protocols at iwasan muna ang mga ‘super spreader events’ o mga pagtitipon na pwedeng maging sanhi ng tuluyang pagdami at pagsirit ng mga naitatalang COVID cases sa islang lalawigan.###