DTI, nanawagan sa manufacturers na huwag munang magtaas ng presyo ng noche buena items

Nanawagan ang Department of Trade and Industry sa mga manufacturers ng Noche Bueana o Christmas Eve meals na huwag munang mag-taas ng presyo para sa Kapaskohan.

Sinabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo na kung magtaas man ang mga kompanya ay umaasa sila na magiging minimum lang ito.

Dagdag niya, noong nakaraang taon ay naging matagumpay ang DTI sa pagkumbinsi sa mga manufacturers ng Noche Buena items na huwag mag-implementa ng price hikes.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Inaasahan naman na maglalabas ang DTI ng suggested retail price list para sa Noche Buena products sa katapusan ng buwan o sa maagang bahagi ng Nobyembre.

Para sa mga basic necessities at prime commodities, ay naglabas na ang DTI ng bagong DRP list para sa mga groceries at supermarkets noong August 29.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Kasama sa mga bilihin na may adjusted SRPs ay ang noodles, kape, gatas, condiments, corned beef, at maging ang non-food items tulad ng detergent at toilet soap.

Karamihan ng mga produkto ay nagkaroon ng pagtaas na naglalaro sa 20-centavos hanggang piso, maliban sa corned beef na nagtaas ng P2.75.