‘Bakuna bubble’, posibleng makuwestyon ang legalidad kung ipapatupad ngayon’

Posible umanong makuwestyon ang legalidad kung ipapatupad ngayon ang “bakuna bubbles” o paghihiwalay sa mga fully vaccinated laban sa COVID-19 mula sa mga di pa nababakunahan dahil sa discriminatory treatment. 

Ito ang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra matapos irekumenda ang nasabing measure para makahinga ang ekonomiya mula sa lockdowns. 

Ayon sa kalihim, mayroong valid medical reasons ang ibang tao kung bakit di sila makapagpabakuna laban sa COVID-19. 

Read More:  Philippines borrows $1.5 billion from ADB amid Middle East crisis

Aniya, ang nasabing suwestyon ay ginawa para protektahan ang mga vaccinated at unvaccinated individuals at para hikayatain ang mga di pa bakunado na magpaturok na ng COVID-19 vaccine, at mapalakas ang ekonomiya. 

Mababatid na una nang iminungkahi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Jose Ma. “Joey” Concepcion III na limitahan ang paggalaw ng mga indibidwal na di pa bakunado laban sa COVID-19 at magpatupad ng bubbles para sa mga di pa fully vaccinated. 

Read More:  DSWD Sec. Gatchalian denies wasted AICS funds despite COA findings

Dapat umanong tingnan na ng pamahalaan ang “bold moves” gaya ng pag-restrict sa mga unvaccinated population na pumasok at kumain sa mga establisyemento o gumalaw sa buong bansa.