Taliban pipigilan ang exodus ng mga Afghans palabas ng kanilang bansa

Hindi na papayagan ng Taliban ang evacuation ng mga Afghans palabas ng kanilang bansa.

Ito ang inihayag ng grupo kasabay ng babala sa America na dapat ay sundin nito ang deadline na hanggang sa susunod na linggo lang ang pullout ng Western evacuation operation sa Kabul airport.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Ang pahayag ng Taliban ay kasunod din ng pahayag ni US President Joe Biden na susundin niya ang August 31 deadline na pag-withdraw sa kanilang tropa sa Afghanistan basta hindi i-aantala ng grupo ang evacuation process.

Sinabi ni Taliban Spokesman Zabiullah Mujahid na habang patuloy sa pagdagsa ng mga foreign nationals sa paliparan, dapat nang umuwi sa kani-kanilang bahay ang mga Afghans para hindi nila harapin ang balik sa kanila ng bagong nagpapatakbo sa kanilang bansa.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Giit ni Mujahid, naharangan na ang mga daan patungo sa paliparan pero padadaanin ang mga dayuhan. Aminado ang Taliban na hindi nila ikinatututuwa ang tangkang pag-evacuate ng mga Afghans