Naga City, nakapagbakuna ng mahigit 3-libo sa loob ng isang araw

NAGA CITY- Mahigit tatlong libong Nagueño ang naturukan ng unang dose ng COVID-19 vaccine sa loob ng isang araw.

Ang bilang na ito ay unang naitala anoong nagkaroon ng Naga Vax express sa tulong ng Office of the Vice President at mga volunteers, ngayon naman nadagdagan na ang vaccination facility. Maliban sa Jesse M. Robredo Coliseum, venue na rin ang Naga College Foundation at Ateneo De Naga University.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Hindi parin napatid ang suporta ng mga volunteers tulad ng mga bumubuo ng Tarabangan Naga, bagay na pinagpapasalamat ng LGU.

Ayon kay City Health Officer Dr. Butch Borja patuloy na minominitor ang mga nabakunahan kung may adverse effects.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Samantala sa tala ng Department of Health Bicol, umabot na sa 181, 501 na ang nabakunahan ng 1st dose sa Camarines Sur, pinakamataas ito sa Bicol Region habang 57, 302 naman ang nakatanggap ng 2nd dose.

Tuloy ang paghihikayat ng Provincial Government sa publiko na magpabakuna kontra COVID-19 para maabot na ang herd immunity.