100 kabahayan sa Garchitorena, Camarines Sur mapapailawan na ng libre sa ilalim ng Pantawid Liwanag Program

NAGA CITY—Aabot sa 100 kabahayan sa Garchitorena, Camarines Sur ang makakabitan na ng supply ng kuryente ng libre sa ilalim ng Pantawid Liwanag Program ng Philippine Rural Electric Cooperatives Association o PHILRECA.

Ayon kay Mayor Nelson Bueza, napili ang mga benipisyaryo mula sa mga pamilyang walang kakahayan na magpakabit ng kuryente sa tulong ng Department of Social Welfare and Development mula sa mga Barangay ng 1,2,3,4 Pambuhan, San Vicente, Toytoy at Barangay Del Pilar.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Aniya, libre ang lahat pati kuntador at mga wirings sagot na ng nasabing programa kaya wala ng aalalahanin pa ang mga benispisyaryo.

Malaking bagay aniya ito sa pang-araw araw na pamumuhay ng mga residente lalo na ng mga mag-aaral na hindi na mahihirapan pang maki-charge kung saan-saan para sa kanilang virtual schooling.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Una nang namahagi ng solar panel ang LGU Garchitorena bilang tulong ng Pamahalaang Lokal sa iba pang walang supply ng kuryente.