Alert Level 4, itinaas na sa buong Region 2 ng DOH

Itinaas na ng Department of Health sa alert level 4 o High Epidemic Risk Classification ang buong lambak ng Cagayan dahil sa tumataas na bilang ng COVID-19.

Sa pinakahuling datos ng DOH noong August 15, 2021, kabilang sa nakasailalim sa alert level 4 ang mga probinsya ng Cagayan, Isabela at Quirino maging ang syudad ng Tuguegarao, City of Ilagan, Cauayan City at Santiago City.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso sa nakalipas na dalawang linggo na dahilan din ng mataas na healthcare utilization rate sa mga naturang lugar.

Ang lunsod ng Cauayan ay nakapagtala ng 231.03% ng pagtaas ng aktibong kaso sa nakaraang dalawang linggo kung kaya’t nakasailalim na ito sa critical epidemic risk classification.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Habang ang Nueva Vizcaya ay naikategorya sa level 3 o moderate risk classification at nanatili naman ang probinsya ng Batanes sa alert level 1 o minimal epidemic risk classification.

Patuloy naman ang panawagan ng DOH sa publiko na patuloy na sundin ang mga health protocol at manatili sa tahanan kung wala namang importanteng pupuntahan.