Zhang, wagi sa laban nila ni Folayang sa ‘ONE: Battleground II’

Nakatikim muli si Eduard Folayang ng pagkatalo mula sa kamay ng newcomer na si Zhang Lipeng sa main event ng “ONE: Battleground II”.

Bagamat ito ang unang laban ni Zhang sa ilalim ng ONE banner, ay maituturing nang beterano ang mas matangkad na Chinese mula sa kaniyang 44 na MMA fights.

Sa pre-recorded na laban sa Singapore Indoor Stadium noong Biyernes, ay kapansin-pansin na nahirapan si Folayang na pigilan ang mga takedown attempts ni Zhang lalo na sa first round.

Read More:  Alex Eala set for Diana Shnaider rematch in Pan Pacific Open quarterfinals

Nagawa naman ni Folayang na panatilihin ang laban sa gitna ng circle sa second round habang patuloy na umiiskor gamit ang kaniyang leg kicks at right crosses.

Gayunman, naka-score muli si Zhang ng takedown sa final round, na dahilan para paboran ng mga hurado ang Chinese fighter via unanimous decision.

Read More:  Alex Eala dominates British wildcard Stojsavljevic, advances to Pan Pacific Open Round of 16

Sa isang panayam ay dismayadong sinabi ni Folayang na may mga pagkakataon na hindi siya makasabay sa laban lalo na sa unang round.

Iginiit niya na hindi ito ang klase ng performance na ninais niyang ipakita.

Mababatid na ito na ang ikaanim na talo ni Folayang mula sa kaniyang huling pitong laban.