Antigen test sa buong pamilyang may isang positive case ng COVID-19, gagawing mandatory sa Tarlac city

Gagawing mandatory sa Tarlac City ang Nasal Swab Antigen Test sa isang pamilya na nagkaroon ng isang positive case.

Ayon kay Mayor Cristy Angeles, kung ang isang miyembro ng pamilya ay nag positibo sa virus, kinakailangan na sumailalim sa antigen test lahat ng mga kasama nito sa bahay.

Read More:  Nearly entire church ceiling collapses in Maguindanao del Norte

Libre namang ipagkakaloob ng City Government ang naturang test para matiyak na ligtas ang mga kasama ng Covid patient.

Read More:  Public school teacher arrested in Davao del Oro drug bust

Samantala, muling nakiusap ang alkalde na kung may nararamdamang sintomas ng COVID-19 ang isang indibidwal ay agad na itong makipag ugnayan sa kanilang barangay official.