Gov’t, umaasang magiging fully vaccinated ang mga botante bago ang 2022 polls

Umaasa ang gobyerno na magiging fully vaccinated ang lahat ng mga botanteng Pilipino laban sa COVID-19 bago ang May 2022 national elections.

Ito ang pahayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, na siya ring co-chairman ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases, kaugnay sa mga tanong hinggil sa plano ng pamahalaan para sa nalalapit na halalan, na maaring maging superspreader event.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Binigyang diin naman ni Nograles na hindi pa mailalabas ng IATF ang guidelines para sa 2022 polls, dahil ito umano ay obligasyon ng Commission on Elections.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Samantala, sa oras na maabot na vaccination sa lahat ng mga botante, tutukan naman ng gobyerno ang immunization sa mga minors simula sa susunod na taon. // MHEL PACIA-TRINIDAD