Palasyo ipinag-utos sa mga gov’t agencies na manatiling operational kahit ECQ

Ipinag-utos ng Malacañang sa lahat ng ahensiya ng gobyerno sa Metro Manila na manatling operational kahit naka-Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Sa inilabas na Memorandum Circular No. 87 na pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea dapat umanong babaan lamang ng hangang 20% ang mga on-site personnel na papasok sa mga tanggapan ng pamahalaan.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Subalit para sa mga ahensiya na may kinalaman sa pagbibigay ng health and emergency frontline services, laboratory and testing services, border control, at iba pang critical services sinabi ng Palasyo na dapat nasa full on-site capacity ang mga ito.

Minanduhan din ng Malakanyang ang mga pinuno ng mga ahensiya sa Metro Manila na magreport sa kanilang department heads para ibigay ang eksaktong percentage sa kanilang skeleton workforce at matiyak na hindi mapipilay ang operasyon.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Hinimok naman ng Palasyo sa Legislative at judicial branch ng gobyerno, ang mga independent constitutional bodies, at local government units sa NCR na i-adopt ang Memorandum Circular No. 87.