Dalawang karagdagang political parties, nais makipag-alyansa sa HNP ni Sara Duterte

Nagpahayag ang dalawang political parties ng kanilang intensyon na makipag-alyansa sa Hugpong ng Pagbabago (HNP) na regional party ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Nais ng Philippine Federal Party at ng Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP) na makiisa sa limang partido na nauna nang nagpahayag ng kanilang interes na bumuo ng koalisyon kasama ang HNP.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Noong 2018, ay naitalaga si Senator Sonny Angara bilang presidente ng LDP, na binuo ng kaniyang yumaong ama na si dating Senate President Edgardo Angara.

Kung maalala ay una nang sinabi ng National Unity Party, na dating Nacionalista Party, ng Pwersa ng Masang Pilipino, at ng People’s Reform Party Lakas-Christian Muslim Democrats na interesado silang makipag-alyansa sa HNP, at sa pagtakbo ni Sara Duterte sa pagka-Pangulo sa halalan sa 2022.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Matatandaan na sinabi ni HNP Secretary General Anthony Del Rosario na iaanunsyo ni Mayor Sara sa Oktubre ang magiging desisyon nito para sa halalan.