Camarines Norte nakapagtala muli ng single day record high COVID-19 recovery kahapon

Nakapagtala muli ang lalawigan ng Camarines Norte ng single day record high COVID-19 recovery kahapon

Base sa case bulletin report ng DOH Bicol, 79 na pasyente ang naitalang gumaling sakit dahilan upang sumampa sa 1,010 ang total recoveries ng COVID-19 sa lalawigan

Bumaba na rin ang bilang ng mga aktibong kaso na mayroon na lamang 213 cases

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Ngunit sa kabila nito naitala pa rin ang 18 panibagong kaso kahapon mula sa mga bayan ng Daet na may 5, naitala naman ang 3 bagong kaso sa bayan ng Jose Panganiban habang may tig-i-isang kaso ang bayan ng Paracale, Basud, Labo, San Vicente, Talisay at Vinzons.

Bukod pa rito, naitala rin ang 4 na bagong kaso ng pagkasawi kung kaya’t sumampa na sa 59 ang total death case sa lalawigan

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Simula ng magsimula ang pandemya hanggang sa petsang July 28, 2021 mayroon ng 1,282 total cases ng COVID-19 ang naitala sa Camarines Norte