Bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 sa Camarines Norte sumampa na sa mahigit 900; 17 bagong kaso ng sakit naitala rin kahapon

CAMARINES NORTE- Nakapagtala muli ng mataas na bilang ng mga nakarekober sa loob ng isang araw ang lalawigan ng Camarines Norte matapos na magkaroon ng 50 pasyente ang tuluyan ng gumaling sa COVID-19

Dahilan upang umakyat na sa 931 ang kabuuang bilang ng mga nakakarekober

Ngunit sa kabila nito, nakapagtala rin ng 17 panibagong kaso ang lalawigan kahapon

Read More:  Woman killed in alleged jealousy-fueled stabbing; Partner arrested

Sa case bulletin report ng DOH Bicol, ang bayan ng Daet at Jose Panganiban ay nakapagtala ng tig-4 na bagong kaso, tig- tatlong kaso naman ang mga bayan ng Paracale at Sta. Elena, 2 kaso ang nagmula sa bayan ng Labo habang may isang kaso ang naitala sa bayan ng Vinzons

Bunsod nito, nasa 1, 264 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan

Read More:  2 Chinese nationals arrested in ₱1.5-M Cebu copper ore seizure

Bumaba naman sa 278 ang aktibong kaso matapos ngang maitala ang 50 bagong nakarekober sa sakit, Nananatili naman sa bilang na 55 ang naitatalang pagkasawi