Olympic gold medalist Hidilyn Diaz, dapat maging Commissioned Officer ng AFP

Isinulong ng isang Senador na maging ganap na commissioned officer ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Tokyo Olympics Gold medalist Hidilyn Diaz dahil sa pambihirang karangalan na inialay ng atleta sa bansa.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson sa imumungkahi niya ito sa liderato ng Philippine Air Force (PAF), kung papayagan ng batas at regulasyon ng AFP.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Dapat maging ganap na commissioned officer ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Tokyo Olympics Gold medalist Hidilyn Diaz dahil sa pambihirang karangalan na inialay ng atleta sa bansa.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Naniniwala ang senador na “very deserving” si Diaz matapos masungkit ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics.

Binigyan din umano ni Diaz ng pagkakataon ang 110 milyong Pilipino na magdiwang sa harap ng matitinding pinagdadaanan ng bansa.