Upland at lowlying areas sa Pampanga, patuloy na tinututukan

Bagama’t umayos na ng bahagya ang panahon, patuloy parin na tinututukan ng Pampanga Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMO ang mga nasa lowlying at upland areas sa lalawigan.

Kaugnay nito ay naglabas ang PDRRMO ng memorandum sa mga Local Government Units o LGU na nagpaalalang mayroong karapatan ang mga Punong Bayan na magpatupad ng forced evacuation kung kakailanganin.

Read More:  Newborn baby girl found at Bohol college parking area

Sa ngayon nasa 87 baranggay ang binabaha sa lalawigan habang nasa 100 thousand na ng mga residente ang apektado ng tubig baha.

Read More:  2 Chinese nationals arrested in ₱1.5-M Cebu copper ore seizure

Samantala, patuloy na panawagan ng ahensya sa publiko na makiisa, makipag-ugnayan ay makipagtulungan sa kanilang mga LGU sa mga aksyon na isasagawa sa oras ng sakuna.