Search, rescue and retrieval teams ng AFP, naka-deploy na sa Northern Luzon

Maagang ipinakalat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang Search, Rescue and Retrieval teams kasunod nang inaasahang epekto ng Bagyong #MarcePH.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr, sa katunayan nasa 305 na Search, Rescue and Retrieval teams na ang naka-deploy sa Northern Luzon.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Maliban dito, naka-preposition na rin ang kanilang airlift capabilities tulad ng mga C130 planes na nakahandang magdala ng mga relief goods.

Mayroon ding 7 black hawk helicopters na naka standby na syang magdadala ng ayuda sa mga lugar na hirap mapuntahan.

Samantala, habang pinaghahandaan ang pagtama ng bagyong Marce, tuloy tuloy ang Sandatahang lakas sa pagsasagawa ng Humanitarian Assistance and Disaster Responce Operations sa mga lugar na hinagupit ng nagdaang bagyong Kristine at Leon.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Sa katunayan, tutulak ang 2 barko ng Philippine Navy sa Basco, Batanes upang magdala ng mga food at non food items na biktima ng nagdaang mga bagyo.