15-anyos kumain ng aso, patay

Patay ang isang menor de edad dahil umano sa pagkain ng karne ng aso sa New Corella, Davao de Oro.

Ayon sa Rural Health Unit (RHU) ng nasabing lungsod, posibleng naapektuhan ng rabies ang biktima mula sa kinain nito, na agad nitong ikinamatay.

Read More:  Veteran broadcaster found dead inside parked car in Cebu City  

Sa ngayon, nagsasagawa na ng contact tracing ang RHU sa mga kasamang kumain ng biktima.

Read More:  Construction worker shot dead outside home in Negros Occidental

Hindi naman naniniwala ang mga magulang ng 15-anyos na biktima na rabies ang ikinamatay nito at sinasabi nilang impeksiyon sa kidney ito, lalo na’t marami silang kumain ng nasabing karne.