Apektado ng Bagyong Kristine, sumampa na sa mahigit 2 milyon

Patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga indibidwal na naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Kristine.

Sa huling report ng DSWD Disaster Response Management, sumampa na sa mahigit dalawang milyong indibidwal ang naapektuhan o katumbas ng halos kalahating milyong pamilya.

Karamihan sa mga ito ay mula sa Cagayan Valley Region, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Region 1, 3, 6, 7, 8, 9, 10, 12, Cordillera Administrative Region at BARMM.

Read More:  House prosecutors seek prayers ahead of Sara Duterte impeachment trial

Malaki na rin ang bilang ng mga pamilyang nananatili sa mahigit dalawang libong evacuation centers na nasa halos 50,000 pamilya o katumbas ng mahigit 170,000 indibidwal.

Read More:  Senate court calls out prosecutor over ‘premature’ statement in Duterte trial

Samantala, aabot na sa P55-M ang halaga ng humanitarian assistance na naihatid ng DSWD sa mga lalawigang naapektuhan ng bagyong Kristine.

Karamihan ng tulong na ipinaaabot sa ngayon ng ahensya ay family food packs kaya puspusan pa rin ang ginagawang repacking para ma-replenish ang food packs sa iba’t ibang lalawigan na kasalukuyang binabayo ng bagyo.