Reward money – inilabas na para sa paghahanap sa American vlogger

Nag-alok na ng pabuya ang Lokal na Pamahalaan ng Sibuco, Zamboanga del Norte para sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng dinukot na American national.

Ayon kay Police Regional Office 9 spokesperson LtCol. Helen Galvez, nag-alok ang LGU ng Php 100,000 para sa impormasyon na direktang makakatulong sa ligtas na pag-recover ng biktima, at Php 50,000 para sa impormasyon tungkol sa bangka na ginamit ng mga kidnappers.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Kinilala ni Galvez ang aktibong pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan sa Crisis Incident Management Task Group (CIMTG) “Eastman” sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa pagkawala ng foreign national.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Hinihikayat din ang publiko na makipag-ugnayan sa Task Group para sa anumang impormasyon na makatutulong sa mabilis na resolusyon ng kaso.

Binigyang-diin ni Galvez na mahalaga ang kooperasyon ng publiko sa tagumpay ng operasyon.