Ikinasa ng Commission on Higher Education (CHED) at ng higit 10 mga higher education institutions (HEIs) mula sa Pilipinas ang Higher Education Mission upang maka-secure ng mas maraming partnerships sa Australia.
Ang limang araw na aktibidad na ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos upang mapalakas ang internationalization ng HEIs sa Pilipinas.
Kabilang sa mga target partnerships sa mga Australian universities ay sa field ng agriculture, information technology (IT), tourism, hotel and restaurant management (HRM), accounting, mining engineering, cybersecurity, social sciences, at creative industries.
Maliban dito, inaasahan din ang posibilidad ng student exchanges, collaborative research, at information-sharing.
Ayon sa CHED, bibisitahin ng Philippine HEIs ang ilang mga unibersidad sa Australia upang makita ang mga best practices, at matiyak ang mga kasunduan hanggang October 25.