Garma – marami pang pasabog

Inaasahan ni House Deputy Majority Leader Jude Acidre na mas marami pang pasabog na ibubunyag si dating Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Royina Garma kaugnay sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Kasunod ito ng isiniwalat ni Garma sa kanyang affidavit sa House Quad Committee ukol sa kung paano nagkaroon ng insentibo o reward system sa extrajudicial killings na utos umano mismo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Read More:  DSWD completes nationwide distribution of P5,000 fuel assistance

Ayon kay Acidre, lumabas sa testimonya ni Garma na ang war on drugs ay hindi lamang kampanya laban sa krimen kundi isang “state-sactioned bloodbath”.

Mistulang systematic execution plan aniya na may pabuya ang mga pagpatay kung saan isinalaysay ng dating PCSO official kung paano siya inutusan ni Duterte na humanap ng police officer na maisasakatuparan ang “Davao Model” sa buong bansa.

Read More:  House prosecutors seek prayers ahead of Sara Duterte impeachment trial

Nakagugulat umano ang mga rebelasyon bagama’t kilala na ang nagdaang administrasyon sa karahasan at hindi lamang mga pulis ang dawit kundi pati na sina Duterte at Senador Christopher “Bong” Go.

Ipinanawagan naman ng kongresista ang isang full investigation upang panagutin ang lahat ng mga may sala at para makamit ang hustisya sa mga biktima ng bawat operasyon gaano man kataas o makapangyarihan ang sangkot.