Apat patay sa pagsabog ng gasolinahan sa Russia

Patay ang apat na katao habang lima naman ang sugatan sa pagsabog ng isang gasolinahan sa Gronzy, Russia.

Ayon sa mga otoridad, bigla na lamang lumiyab at sumabog ang gasoline station.

Read More:  Eight people killed in charter plane crash in Alaska

Mabilis namang nakaresponde ang mga bombero kaya hindi kumalat ang apoy sa mga kalapit na residential area.

Read More:  France warns of 300,000 potentially unsafe or substandard condoms

Sinabi ng mga awtoridad na patuloy pa nilang iniimbestigahan ang nangyaring insidente lalo na’t hindi ito ang unang beses na may sumabog na gasolinahan sa Russia.