Dalawang estudyante, nalunod sa ilog sa Batangas

Nalunod ang dalawang Grade 10 na estudyante habang naliligo sa ilog sa Barangay Laurel, Batangas.

Ang mga biktima ay isang 15-anyos at isang 14-anyos mula sa Calamba City, Laguna.

Ayon sa imbestigasyon, lumusong sila sa pinakamalalim na bahagi ng ilog ngunit hindi na nakabalik sa pampang dahil sa malakas na agos.

Read More:  Army’s newest Lieutenants include seven from Negros’ CHICKS Area

Sinubukan naman ng kanilang mga kasamahan na iligtas sila pero hindi nagtagumpay at humingi na ng tulong sa mga opisyal ng barangay.

Read More:  CHMSU graduate tops Army officer candidate class ‘Talagilab’

Nakatulong umano ang mga patrolling authorities sa paghahanap at nakuha ang mga katawan ng mga biktima.

Samantala, magsasagawa pa ang pulisya ng karagdagang imbestigasyon at isasailalim sa post-mortem examinations ang mga katawan ng biktima.