DOJ, sisilipin na kung may pananagutan ba si VP Sara sa mga tirada kay Marcos Sr.

Tinawag na ‘very disturbing’ ni Justice Secretary Boying Remulla ang mga naging pahayag ni Vice President Sara Duterte laban sa mga Marcos.

Ayon kay Remulla, nakababahala na ganito ang iniisip at nagiging remarks ng taong nasa ikalawang pinakamataas na posisyon sa bansa.

Read More:  Court delays Sara Duterte’s grave threats arraignment again

Lahat naman aniya ng naririnig natin mula kay Duterte ay hindi nating nanaising marinig.

Samantala, pinag-aaralan umano ng Department of Justice (DOJ) ang mga legal consequesnces sa mga naging pahayag ni VP Sara hinggil sa labi ni dating Pang. Ferdinand Marcos Sr.

Read More:  Robin Padilla, Bong Go ask Supreme Court to restore 16-vote threshold

Ani Remulla, nilalapastangan nito ang alaala ng tao; at ang kapayapaan ng yumao.